Local News

Ama ng Magkapatid na Maguad, Galit sa Umano’y “Pag-Aalaga” sa mga Suspek; Sigaw ng Netizens, I-Repaso ang Juvenile Justice Law!

Puno ng galit ang naging pahayag ni Cruz Maguad Jr., ama ng pinaslang na magkapatid na Maguad. Patungkol umano ito sa nakita nilang tila “pag-aalaga” pa sa mga suspek na siyang kumitil sa buhay ng kanilang pinakamamahal na mga anak.

Sa Facebook post ng ama ng mga biktima, ibinihagi nito ang kanyang pagkadismaya sa sitwasyon, kalakip ang isang video kung saan makikita umano ang pagbibigay pa ng seguridad sa mga suspek.

“Let this known to the world…kung gaano ka unfair ang treatment ng mga kinauukolan sa victims against the criminals. Nahatulan na nga as murderers, sila pa ang binigyan ng maximum security. kitang kita sa video na to kung paano nila inaalagaan ang mga murderers o criminals na yan. Ganun ba talaga ang justice system dito sa Pinas?”, saad ni Cruz Maguad Jr.

“Napatunayan na nga na criminal intensive care pa ibinibigay ng gobyerno. Ni katiting, walang wala talagang kasalanan sa kanila ang aming mga anak. Halimaw talaga ang mga kriminal na yan. Tinadtad nila ng saksak ang katawan ng aming mga anak na walang kasalanan sa kanila. Hinding hindi magagawa ng normal na tao ang ganun. Demonyo at halimaw lang ang makakagawa nun,” dagdag pa ng ama ng mga biktima.

Samantala, agad namang umani ng reaksyon mula sa mga mambabasa ang nasabing post. Ayon sa ilang netizens, dapat na umanong i-repaso at pag-aralang muli ang “Juvenile Justice Law sa bansa. Saad pa ng ilan, dapat na umanong baguhin ang Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice Law of 2006 at ibaba ang “age of criminal liability” dahil anila, marami nang kabataan ngayon ang gumagawa ng krimen.

Source: Manila Bulletin, Cruz Jr Maguad Facebook post

Leave a Reply