Local News

Amanpulo Victory Party, Hindi Totoo, Ayon kay BBM Spokesperson Atty. Vic Rodriguez!

Maingay na usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagpapareserba ng kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong isla ng Amanpulo. Ayon sa kumakalat na isyu, ang pagpapa-book umano nina BBM sa nabanggit na luxury resort sa Palawan ay upang doon isagawa ang “victory party” dahil sa naging resulta ng nakaraang halalan, kung saan si Marcos ang nangunguna sa pangkabuuang dami ng bilang ng nakuhang boto.

Samantala, ngayong araw ay tinuldukan na ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez ang nabanggit na isyu at pinabulaanan ang naturang usapin.

Ayon sa ulat ng Philstarlife at ng GMA News, sinabi umano ni Rodriguez sa isang panayam sa kanya ng One PH na walang katotohanan ang nasabing Amanpulo Victory Party.

“Ako personally unfair kasi pagdating ko kanina dito sa aming tanggapan, ‘yung mga staff namin eh nakagayak ng pangdagat, pangbeach at sinisingil ako na may sorpresa daw pala kami at hindi sila nakapaghanda but ready na sila kanina,” saad ni Rodriguez.

“So kahit ako nagulat. Walang gano’n, walang gano’ng victory celebration and you know si president-elect Bongbong is an Ilocano,” dagdag pa ng tagapagsalita ni BBM.

Ayon pa kay Rodriguez, malayo raw itong mangyari at gawa-gawa lamang daw ito ng ilan.

“Not unless meron siyang sorpresa para sa amin. Pero wala, malayo iyon. Ito’y gawa-gawa lang noong mga iresponsableng nagpo-post sa kanilang social media na iyan na naman, malisyoso ang pagpo-post.Ang akin lang laging sinasabi, let’s be responsible for what we post. Let’s be responsible for what we do. Di tayo iyong magpo-post para lang makapanakit ka ng sinuman. Kakatapos lang ng kampanya, kakatapos lang ng eleksiyon,” saad pa ni Rodriguez.

“Kung meron kayong pinanghahawakan na, for example, proof of payment, or bookings, sino nagpa-book o larawan, by all means, i-post ninyo. You will get a reply from me. Kung ito’y alegasyon lang ng kung sino, siguro, ang tamang taong tanungin ninyo ay iyong taong nag-post niyan.” dagdag pa ng spokesperson ni Marcos.

Source: Philstar Life, GMA News

Leave a Reply