Local News, World News

American Senator, Sinumbat ang Kanilang Tulong Pinansiyal sa Philippine Govt?

Kahapon ay umalma ang MalacaƱang sa pag-apruba sa panukala sa United States senate na pagbawalang makapasok sa Estados Unidos ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nagpakulong kay Senadora Leila De Lima. Si De Lima ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa droga. Magugunita na sinabi ng ilang tumestigo sa congress hearing na lumikom ang mga drug lords ng pera para gamitin sa kampanya ni De Lima para sa pagka-senador noong 2016.

Ngayon, nagsalita na ang Amerikanong senador na nagpanukala ng nasabing polisiya. Ayon kay Sen. Patrick Leahy, malaking pera ang ibinibigay ng Estados Unidos sa Pilipinas.

“Every year, the United States provides large amounts of aid to the Philippines, and I have supported that aid. I assume President [Rodrigo] Duterte’s spokesman who defended the wrongful imprisonment of Senator De Lima does not consider our aid to be ‘interfering’ in their sovereignty,” boladas ni Leahy

Para pa kay Leahy, may kapalit daw ang kanilang aid kung inaabuso daw ng gobyerno ng Pilipinas ang sistema ng hustisya.

“Our aid is not a blank check, and when Philippine officials abuse the justice system for the purpose of political retribution, we have a responsibility to respond,” dag dag pani Leahy.

Sa inilabas na pahayag kahapon ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nito na pambabastos ang ginagawa ng mga Amerikanong Senador sa kagustuhan ng mga Pilipino.

“It is an outright disrespect to our people’s clamor for law and order. It treats our country as an inferior state unqualified to run its own affairs,” buwelta ni Panelo.

Nanindigan din si Panelo na dumaan sa tamang proseso ang pagkakapiit kay De Lima.

“Senator de Lima is no prisoner of conscience. The fact that she belongs to the political opposition is irrelevant to her charges of illegal drug-related transgressions which she allegedly committed while she was Justice Secretary. The quantum of evidence of probable cause was met, as determined by an independent and competent judge, which caused the issuance of a warrant for her arrest,” resbak pa ni Panelo.

Magugunita na hindi pabor si Pangulong Duterte na tumanggap ng tulong pinansiyal sa mga bansang mangingialam sa sa pamamalakad ng gobyerno ng Pilipinas.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén