Local News

Anak na NPA, Binastos ng Militar? Bayan Muna Congresswoman, Kininondena ang mga Sundalo!

Binabanatan ngayon ni Bayan Muna COngresswoman Eufemia CUllamat ang mga kasundaluhan. Binastos daw kasi ng militar ang labi ng kaniyang anak na si Jevilyn. Ayon kay Cullamat, ginawa daw “trophy” ng mga tropa ng gobyerno ang katawan ng kaniyang anak.

“Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar… Hindi n’yo na ginalang ang patay, binabastos pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay nga aking anak… Bagama’t bilang isang ina ay nag-alala rin ako at masakit ang mawalan ng isang anak, nanaig pa rin ang respeto ko sa naging desisyon ni Jev,” boladas ni Cullamat.

Si Jevilyn ay miyebro ng New People’s Army (NPA) na nasawi matapos makipagbarilan sa militar. Ang katawan ni Jevilyn ay iniwan na lang basta-basta ng mga kasamahan niyang rebelde matapos ang 45 minutong bakbakan. Ang anak ni Rep. Cullamat ay nagsisilbing medic ng mga NPA.

Pinagmalaki pa ng kongresista ang pagsali ng kaniyang anak sa mga rebeldeng komunista. Hindi rin daw nawalan ng saysay ang buhay ng kaniyang anak dahil inila daw nito ang buhay para sa bayan.

Magugunita na kamakailan lang ay isiniwalat ni Lt. General Antonio Parlade ang ugnayan ng pamilya ni Cullamat sa mga rebeldeng komunista.

“What about Rep Culliamat? Well, she needs to speak out because this budget of the NTF ELCAC might just end the conflict in Agusan and Surigao, which she and her siblings in the NPA have been waging for sometime now.
Rep. Cullamat is married to an NPA now detained for various crimes. She is the elder sister of Bae Gloria Campos Tumalon who was apprehended last March 19, 2020 in Diatagon, SDS. Her other siblings are Pablito Sinzo Campos, the NPA leader arrested last 2018 in Sibagat, Agusan del Sur, and Emelda Campos Belandres, another NPA leader who is wanted for various crimes. Was she elected by the people to be a Rep? NO, the CPP designated her as a nominee of Bayan Muna, BECAUSE of her family’s LOYALTY to the party,” pagbubunyag ni Lt. Gen. Parlade.

Source: Sunstar | Army Official Antonio Parlade | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: