Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Anak ng General na Nanggahasa ng 13-Anyos, Nang-Scam pa ng P20 Million!

Kamakailan lang ay nagkaroon ng ekslusibong ulat ang kiilalang mamamahayag na si Erwin Tulfo tungkol kay Malvin Tianchon, ang anak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General at itinuturong suspek sa panggagahasa sa kapitbahay na menor de edad sa loob pa mismo ng kampo ng militar.

Sa ikalawang ulat ni Tulfo kaugnay kay Tianchon, napag-alaman na may na-scammed din pala ito gamit ang bitcoin currency. At ang halaga ay aabot pa daw sa tumataginting na P20 million.

Ayon sa Singaporean businessman na si Edmund Ng, si Tianchon ay isa raw hardcore bitcoin scammer. Si Ng ay nag-o-operate ng digital marketing agency sa Singapore. Ayon kay Ng, nakilala niya at ng kanyang business partner si Tianchon noong taong 2018. Nagpakilala daw si Tianchon na may-ari ng malaking halaga ng bitcoin sa Pilipinas.

“So Malvin, basically, reassuring us of his technical expertise and that bitcoins were real. He has expertise to help us synchronize the core. So we can extract the bitcoins and transfer them to wallet… In total, in cash, was 406,000 US dollars that we transferred over to the 2 guys in Singapore. And I transferred it to Malvin in Manila,” sabi ni Ng.

Sa ginawang Facebook page ni Ng tungkol kay Tianchon, nakatanggap daw ito ng mga impormasyon mula sa mga Pilipinong naloko din ni Tianchon.

“On the Facebook page that I created about him, I got so many people from the Philippines messaging me on how Malvin has scammed them from hundreds of dollars to thousands of dollars in the Philippines. Its just seem that he’s been a hardcore scammer since he was young,” saad pa ni Ng.

Ayon sa dating tauhan ni Tianchon, ginagamit daw ng kawatan ang pagiging anak ng heneral sa mga modus nito.

Lumabas din sa ulat ni Tulfo na may isa ring opisyal sa AFP ang nabiktima din ni Tianchon.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén