Local News

Menor De Edad na Anak ni Cong. Defensor, Pinagbantaan na Papatayin!

Nakipag-ugnayan na si Anakalusugan COngressman Mike Defenso sa National Bureau of Investigation (NBI) para iapahanap ang isang netizen na nagbanta na ipapatay ang kanyang menor de edad na anak na si Juliana.

Nangyari daw ang pagbabanta matapos siyang mag-post sa social media ng larawan ng kanyang anak. Dito na daw nag-iwan ng pagbabanta ang nasabing indibiduwal.

“Nagulat ako kasi nung Linggo, parang pinost ko yung the night before the novena noong aming anak. Tapos merong nagkomento doon, ‘Papatayin ko yung anak mo, g*go.’ Yung pangalawang sinabi niya, parang ‘Mata sa mata, buhay sa buhay, papatayin ko si Juliana… Siyempre nakakabahala ‘yung ganun. Hindi mo alam kung saan nanggaling yun, kung ano yung isip ng taong yun, at hindi maganda yung ganun… Nagpa-message muna ako para madaling ma-trace. Alam ko dinelete niya e pero nakuha namin yung pangalan and hopefully ma-trace namin ito… Siguro dapat magkaroon din tayo ng disiplina at paggalang sa isa’t isa na may mga salitang hindi dapat. May mga gawaing hindi dapat. May mag lengguwahe, pagmumura na iwasan natin… Magkaroon man tayo ng iba’t ibang pananaw sa pulitika, iba’t iba ang ating paninindigan, pero dapat bukas tayo sa pag-uusap at pagsasalita nang hindi nagmumura at nag-aaway,” sabi ni Defensor.

Si Defensor ay isa sa mga kongresista na nanguna sa pagdinig sa legislative franchise bill ng ABS-CBN. Magugunita na pagkatapos ng 12 na hearing ay hindi nabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Source: PTV4 | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: