Local News

Anak ni Sen. Kiko, Binanatan ang Duterte Government?

May pahapyaw ang anak ni Senador Kiko Pangilinan sa Duterte Administration.

Sa question and answer session sa Twitter account ni Frankie Pangilinan, natanong ang anak ng senador kung ano ang kanyang opinyon sa kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas. At ang naging sagot nito ay tila pangungutya sa kasalukuyang gobyerno.

“u mean that joke no one finds funny ,” sabi ni Frankie sa kanyang social media post.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang naging sagot ni Frankie sa netizen.

May sumang-ayon sa post ni Frankie. Tulad ng filmmaker na si Antoinette Jadaone.

Nakatanggap din ito ng batikos mula sa ibang netizens.

Ang tatay ni Frankie na si Senador Pangilinan ay ilang beses tinawag ni Presidente Duterte na “bobong pulitiko” dahil sa isinulong nitong batas na nagpo-protekta sa mga menor de edad na kriminal o ang Republic Act No. 9344
(Juvenile Justice and Welfare Act).

Ang ina naman ni Frankie ay ilang beses naman nakita na nakikihalubilo at tila sumusuporta sa Duterte Administration.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén