Local News

Anak ni Kiko, Gustong Pagkakitaan daw ang mga DDS matapos Laitin, ayon kay University Lecturer Sass Sasot!

Inungkat ng Univeristy Lecturer ang social media post ng anak ni opposition senator Francisco “Kiko” Pangilinan na si Kakie.

Sa nasabing twitter post noong nakaraang buwan, hinihikayat ni Kakie ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte na puntahan ang kaniyang Spotify link para ipakita daw ng mga “Duterte Die-hard Supporters” (DDS) kung gaano sila kagalit sa kaniya.

“hello po sa mga DDS eto na rin ang spotify link sa bagong kanta ko para mastream n’yo and then u can tell me how much u hate it oof,” boladas ni Kakie.

Ang paandar na ito ni Kakie ay agad nabuking ng lecturer na si Sass Rogando Sasot.

Ayon kay Sasot, paraan daw ito ni Kakie na pagkakitaan ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte kahit na nilalait daw nito ang mga Duterte Supporters.

“KAKIE PANGILINAN GUSTONG PAGKAKITAAN ANG DDS. Spotify pays artists according to how many streams they got. Kakie Pangilinan knows this. And she knows that she can only bank on DDS folks to actually listen to her — but out of disgust. Girl, halata naman masyado itong taktika mo para kumita ka sa Spotify…Nilalait mo na mga DDS gusto mo pang pagka-kitaan. How horrible can you be little girl?” sabi ni Sasot.

Hindi rin napigilan ng radio host na si Mark Lopez na mag-react sa ginawang hakbang ni Kakie.

“Putres! Style Kiko amputa! Ibang klase talaga itong hindot na batang ito, ang tindi ng panggagago sa atin.
Gusto pa talaga kumita at the expense of the DDS. Hayup!” banat ni Lopez.

Si Kakie, tulad ng kaniyang amang senador, ay kritiko ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Source: Kakie Pangilinan | Sass Rogando Sasot | Mark Lopez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén