Local News

Anak ni Kiko, may Mensahe sa mga Pumupuna sa kaniyang Itsura!

Hindi na nakatiis si Frankie Pangilinan at nagsalita na siya tungkol sa mga natatanggap niyang panglalait sa kanyang itsura sa social media.

Sa kanyang tweet, ipinakita niya ang isa sa mga komento na natanggap niya sa kanyang Instagram post kung saan ay nilait ang kanyang mga mata.

“Honest lang, maganda ka sana. Tabunan lang yong mata perfect na,” sabi ni netizen blue_butterfly711.

Dito na nagbigay ng kanyang opinyon si Kakie sa pamamagitan ng ilang tweet.

“Honestly lang, in what world is it okay to say this to anyone.” ani Kakie.

Ayon sa kanya ay sanay na siya sa mga natatangap niyang panglalait sa kanyang itsura ngunit ano nalang daw ang epekto nito kung sa ibang tao ito sinabi.

Pero inamin niya na minsan ay hindi niya talaga mapigilan na mainis kapag nakakabasa siya ng mga ganitong klaseng komento mula sa mga netizens.

“Sanay na po ako i can laugh these things off really easily, but there’s something so upsetting about thinking there are little girls who’ve never been insecure of themselves and could read comments like this only to look in the mirror and see flaws they’ve never seen before,” sabi niya.

“Nakakapagod na po. minsan pa nga nakakasira ng araw o buong lingo. hindi opinyon ang pagmumukha. mahal ko ang mga mata ko dahil namana ko mata ng tatay ko, na namana nya sa nanay nya, na namana ni lola sa lola kong haponesa. gwapa mga lola ko kaya alam ko gwapa din ako hehe,” dagdag niya pa.

Matatandaan na isa sa mga paboritong batikusin ng ilang netizens si Frankie dahil sa mga komento nito sa iba’t ibang isyu ng bansa.

Umabot na sa punto na pati ang kanyang ina na si Sharon Cuneta ay nadamay na sa mga isyu na kinaharap ni Frankie.

Kahit ang kanyang mga performance ay hindi pinalampas ng mga netizens katulad nalang noong ulanin ng dislike ang isa sa kanyang mga video.

Source: Frankie Pangilinan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: