Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Anakbayan Leaders, Nakiki-Rally din sa Indonesia?

Nitong nagdaang mga araw naging laman ng balita ang mga kabataan diumano’y nawala matapos ma-recruit ng leftist group na Anakbayan.

Dumalo sa pagdinig sa senado ang mga magulang ng mga bata para ilahad ang paghihirap na dinadanas nila sa pagkawalay ng kanilang mga anak.

Dahil sa hinaing ng mga magulang, nagsampa na ng reklamo ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa ilang personalidad sa Anakbayan.

“Last July, Mrs. Relissa Lucena, together with other witnesses, went to CIDG, particularly to the Office of Major Crime Investigation Unit. We got the statements and after a week on August 1, we filed a case against the respondents Mrs. Lucena mentioned,” sabi ni CIDG deputy director for administration Police Brigadier General Bernabe Balba.

Ilan sa mga sinampahan ng reklamo ay sina Charie del Rosario, Bianca Gacos, Jayroven Villafuente Balais, Anakbayan national president Vencer Crisostomo and Anakbayan secretary general Einsten Recedes.

Alam niyo ba na may ilang litrato na lumutang noong 2018 kung saan makikita ang mga lider ng Anakbayan na sina Crisostomo at Recedes na nagra-rally diumano sa Indonesia.

Sa unang litrato, makikita ang mga Anakbayan leaders na kasama ang iba pang nagkikilos-protesta pero kapansin-pansin ang mga placards sa likod nila ay may nakasulat na wikang banyaga.

Sa pangalawang litrato naman ay makikita ang dalawa na nakikisigaw kasama ang iba pang rallyista sa harap ng alagad ng batas. Mapapapansin ang marka sa uniporme ng pinaniniwalaang pulis na may nakasulat na “BALI”.

Panoorin kung paano bumanat ang mga Anakbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: VOVph

Leave a Reply

Theme by Anders Norén