Local News

“Ang Anak ay Hindi Pag-aari ng Magulang” ABS-CBN Actress Liza Soberano

Sa isang pahayag, sinabi ng aktres na si Liza Soberano na hindi pag-aari ng mga magulang ang mga anak.

“Childhood is the stage in a human being in which they are most vulnerable but that doesn’t make children the possession of their parents, guardians, organizations or the country. They are not mere people in the making,” sabi Soberano.

Ang pahayag na ito ni Soberano ay may pagkakahawig sa mga litanya na natanggap ng mga magulang na nawalan ng anak.

Ibinunyag dati ni Ginang Relissa Lucena, isa sa mga magulang ng mga nawawalang estudyante, ang pangungutya mula sa mga makakaliwang grupo.

Binasa ni Ginang Lucena noon sa senado ang ilang komento na natanggap niya matapos siyang maglabas ng open letter para sa kanyang anak.

“Maaring mga magulang nga kayo pero tandaan niyo na dumaan lang siya sa inyo at hindi niyo siya pag-aari. Pwede niyo silang palakihin at mahalin dahil responsibilidad niyo iyon pero hindi pwedeng hulmahin at pilitin maging tulad niyo. Kung hindi niyo siya makilala ngayon, ikaw misis, siguradong hindi niya rin nakilala pa,” komento ng mga makakaliwang grupo na binasa ni Ginang Lucena sa senado.

Ang anak ni Ginang Lucena ay sumapi sa Anakbayan at naging aktibista. Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik kay Ginang Lucena ang kaniyang anak.

Source: PNA | INQ | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén