Local News

‘Ang gagawin mo na lang ay tignan sa DOH Website ang Reports!’ Roque, Sinopla si Leni!

Sa pinakahuling boladas ni Vice President Leni Robredo laban sa Duterte Administration. Pinuna nito ang periodic reporting ng gobyerno kaugnay sa covid-19 response.

“Sana ano na lang, parng may periodic sana na pag-assess kung kinakailangan pa. Kasi gusto bang sabihin na ganoon katagal iyong emergency situation natin? Kasi kung ganoon katagal, parang nakakatakot para sa atin,” boladas ni Robredo.

Ang mga patutsada ni Robredo ay agad namang niresbakan ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kailangan lang daw gawin ni Robredo ay bisitahin ang website ng Department of Health (DOH) para makita ang mga periodic reports. Buwelta pa ni Roque, nagbibingi-bingihan at bulag-bulagan daw kasi ang bise presidente.

“Again, she is playing blind and deaf to the fact that there’s periodic reporting. All you have to do is go to the webpage of the DOH. All she has to do is to consult the regular reports being submitted by the President,” banat ni Roque.

Magugunita na kagabi ay nakatikim din ng banat si Robredo mula kay Pangulong Duterte. Ayon sa Pangulo, kahit ano daw gawin ng kaniyang pamahalaan ay may puna pa rin ang bise presidente.

“Wala talaga tayong magawa, you do it may masabi sila, you do not do it may masabi si Leni (Robredo) what do you want us to do?… Ang problema kasi nito, ‘yung magsabi we are doing enough, what can we do with the germs that’s flying around?… Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat…” buwelta ng Pangulong Duterte.

Source: News5 | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén