Local News

‘Ang Gobyerno ngayon parang Manok na Napugutan ng Ulo!’ Mon Tulfo, Binanatan ang DU30 Govt

Kumuda ang kolumnista na si Ramon Tulfo laban sa estado ng pamamahala ngayon sa bansa. Banat ng mamamahayag, tila walang liderato ang gobyerno ngayon.

Magugunita na sa kaniyang public address ay binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng kolumnista.

“So now we have so many things. May basahin lang ako kay —sa ano ito Instagram? Is this is what you would call Instagram? Hindi ako marunong nito. “Kaya niyang mag-jogging, kaya niyang mag-golf kahit gabi na, kaya niyang magmotorsiklo sa loob ng Malacañan. Bakit…”I’m reading this because Mon is my friend. Kinakantyawan ko lang rin. “…bakit hindi kaya ang ating Presidente na humanap nang tambayan ng national television para maalis na ang agam-agam sa mamamayan sa kanyang kalusugan?”

Well, Mon, you’ve been my friend for a long time. You know that magkasabay lang tayo, nag-abot pa tayo sa Ateneo de Davao noon. Maghabulan lang tayo ng edad. Now kung sabihin mo may sakit ako, may sakit ako. Pero kung sabihin mo may sakit ako ngayon that would prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho.

Kaya ako nagmo —kaya ako nakaka-swing ng golf, tapos nagmomotor eh kasi kaya ko pa. Now the problem is you should look into the time I enjoy my hobbies. Mon, gabi ‘yon alas dos ng madaling araw. Ano ba naman? Hindi, sa araw makita mo ako naggo-golf sabihin mo… Lalo na ito si De Lima, sinasabi nang naggo-golf kasi may problema. Eh kung mag-golf naman ako ng gabi, hatinggabi, eh umaalma na naman bakit ako nag-golf? Anak ng p***. Saan pa —? Kailan pa ba ako?” banat ni Pangulong Duterte.

Source: PCOO | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén