Local News

‘Ang Kailangan nating Lider ay Hindi Nananakot’ – Heneral Luna Star John Arcilla

Nitong umpisa ng Abril ay bumolasdas ang ilang personalidad sa showbiz matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga makakaliwa na gumagawa ng kaguluhan sa gitna ng cornavirus disease 2019 (covid-19).

Isa sa mga artistang ito ay ang bida sa pelikulang Heneral Luna na si John Arcilla. Ayon sa aktor, hindi daw dapat nananakot ang mga lider kundi dapat ay nagbubuklod.

“Palagay ko, sa PANAHON ng TAKOT at GUTOM, KRISIS at EPIDEMYA ang kailangan natin ay mga LIDER na MAGBUBUKLOD sa atin at HINDI magdadagdag ng TAKOT at PAGKAKA HATI-HATI ng BANSA. Kabayan, kung di ka naniniwala dyan, HINDI KA MAKABANSA. HANGARIN ang PAGKAKAISA,” sabi ni Arcilla.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na magbigay ng reaksyon sa komento ni Arcilla at ipinaunawa sa aktor na kailangan maging istrikto ng isang lider sa mga tao nito.

“Kabayan, kung may tamang malasakit ka sa bayan dapat alam mo kung san nanggagaling ang galit ng isang lider na ang hangad lang ay itama ang landas ng kanyang nasasakupan. Naturinang alam mo ang mga kataga ni Heneral. Ang sarili ang kalaban. Tas ending, eto ka,” ani David John Bulano

“Naniniwala ako sa idelohiya mo Heneral subalit sa nakikita ko ngayon, kahit sino pa ang lider na maluklok sa itaas at subukang pagisahin ang bansa, mayron at mayron pa ding lumulutang para hatiin ang sambayanan. Wala na sa lider ang susi kundi s kanyang mga nasasakupan,” saad ni Daisy Jean Cipriano.

Pero kahit na pinangaralan na siya ng mga netizens ay nangatwiran pa rin siya.

“Mas ok cguro na kinakalma ng mga Lider ang bayan na nagugutom at natatakot. Ang mga lumabas ay nagugutom walang baril. Kung may problema sa “Left” pwede pag usapan sa ibang oras kailangan. Ang kailangan ngayon ng tao ay PAGKAIN, assurance na LIGTAS ang kalusugan at may gamot,” pangangatwiran ni Arcilla.

Source: John Arcilla Twitter | Archive | Twitter | Twitter

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: