Local News

‘Liit ng tingin ko sa’yo… Demonyo ka!’ former ABS-CBN Camera, may binunyag kay Coco Martin

Matapos ang galit na galit na paglalabas ng saloobin ni Coco Martin sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, lumutang ang dating cameraman ng Kapamilya network na si Journalie F. Payonan upang ikuwento ang kanyang karanasan sa nasabing istasyon. Ibinunyag din niya ang mga nakarating na balita sa kanya tungkol sa ginagawa ni Coco sa mga utility sa mga staff at stuntmen.

“Yung’ mga stuntmen na pinagsalitaan mo ng hindi maganda, ‘yung grupo ni Tatay Bal Iglesias. Alam mo Coco, maraming problema sa akin na binanggit ni Boy Roque dahil nakasama ka niya sa trabaho. Kung anong klaseng ugali mayroon ka? ‘Yung pabuhos-buhos mo pa ng tubig sa utility. Alam niyo mga kababayan, si Robin Padilla… Minsan na nakasakit at napuruhan ang stuntman dahil sa sparring pero makikita mo si Robin humihingi siya ng sorry. Maya-maya nilalambing ni Robin at binigyan ng pera, kung baga pampalubag-loob ang tawag doon o pampagaan ng kalooban. Ikaw, ang nakarating na balita sa akin, kasi maraming nagsusumbong sa akin na stuntmen, minsan nakapanakit ka, napuruhan mo ‘yung tao, base ng kwento ng stuntman sa akin, ang sabi ni Coco, ‘Pasensiya ka na hindi ako katulad ng isang tao diyan na ‘pag nakapanakit humihingi ng tawad at nag-aabot. Hindi ako ganun’. So anong ibig mong sabihin? Papanindigan mo na ganun ka,” sabi ni Payonan.

Banat pa ni Payonan, dapat daw ay alalahanin ni Coco kung saan ito nanggaling. Kinastigo din ng dating cameraman ang ginawang paghahamon ng aktor.

“Coco, nakakahiya. Ang lakas mo ng kumita tapos ganyan pa ang gagawin mo na mananawagan ka na ipaglaban. Kami nga hindi mo naipaglaban demonyo ka, batukan kaya kita. Tapos maghahamon ka pa baka may pumatol sayo, lunukin mo iyan dila mo. Coco, tigilan mo ko maraming balita ang nakakarating sa akin. ‘Yung pabuhos-buhos mo ng tubig sa utlity, may video ako nun. Kaya lang ang tagal ko ng hinahanap. ‘Wag ka sana magbago. Magbalik-tanaw ka kung saan ka nanggaling. ‘Wag mo ng hintayin na ibang tao pa magpaalala sa’yo kung saan ka galing. Ang sakit nun. Masasaktan ka lang. Ngayon oh, maraming kumkalat sa social media kung saan ka galing… Ang yaman mo ngayon, guwapings ka pero maliit ang tingin ko sa’yo,” dagdag pa ni Payonan.

Source: Journalie F. Payonan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: