Local News

‘Ang Liit ng Tingin sa atin ng Ibang Bansa’ Banat ni Kapamilya Actor Enchong Dee

Naging laman ng balita nitong mga nagdaang araw ang poagbangga ng diumano’y chinese vessel sa isang bangka na lulan ang mga Pilipino mangingisda. Dahil dito, hindi mapaigilan ng ilang kababayan natin na magkomento sa isyu. May mga ilan ding pwrsonalidad sa showbiz ang nagsalita na rin at isa na dito ay ang talent ng ABS-CBN na si Enchong Dee.

Sa kanyang social media post, sinabi ng aktor na ang insidente sa West Philippines Sea ay senyales umano na hindi nirerespeto ng ibang bansa ang Pilipinas. Banat pa ng aktor, mas lalo daw liliit ang tingin ng ibang bansa kung mananahimik tayo sa isyu.

“Ang liit ng tingin satin ng ibang bansa, mas liliit pa yan pag hinayaan nating manahimik para sa mangingisda natin laban sa mga Bully,” sabi ni Dee.

Si Dee ay isa sa mga personalidad sa showbiz na bumabatikos sa ilang polisiya ng Duterte Administration. Sinuportahan niya si Otso Diretso candidate Chel Diokno noong nakaraang eleksyon.

Ayon naman kay Senador Ping Lacson, pinapahalagahan daw ni Presidente Duterte ang relasyon sa China pero sigurado siya na mahal ng Pangulo ang Pilipinas. Sensitibo din daw ang isyu.

“President Duterte, alam mo, he values friendship pero I’m sure he loves his country more so hindi naman… kasi sensitive itong issue as far as the Philippine leadership or the President is concerned… Pero pinag-aaralan ko nang mabuti I’m not being an apologist to President Duterte pero kumakalap siya ng kumpletong impormasyon,” ayon kay Lacson.

Para naman kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tama lang daw ang hakbang na ginagawa ng Malacañang at kumpiyansa siya sa ginagawa ng Presidente.

“I have full confidence in how President Dutrerte and [Foreign Affairs Secretary Teodoro] Locsin see the issue… Take calibrated response and be as civil as they have to be. I think that’s [the] right approach… China is our big neighbor in the North. Shouldn’t we be friends with our big neighbor in the north?,” pahayg ni Arroyo.

Source: Enchong Dee | ABS-CBN | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén