Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Ang Malaking Pagbabago sa Carriedo, Maynila Matapos ang Clearing Operation!

Natutuwa ang ilang kababayan natin sa social media sa malaking pinagbago sa Carriedo, Manila matapos magsagawa ang lokal ng pamahalaan ng clearing operations. Kung dati-rati kasi ay nahihirapan madaanan ng sasakyan ang lugar dahil sa dami ng mga vendors na walang patumanggang nagtitinda sa iba’t-ibang bahagi ng kalsada, ngayon ay lumawak at tila umaliwalas pa ang kalye.

Mapapansin sa litrato ang mga blue marking sa kalsada na maaaring magsilbi bilang palatandaan kung saan lang pwede pumuwesto ang mga magtitinda. Pinagsabihan na din daw ang mga pinayagang magtinda na linisin ang kanilang mga lugar.

(Photo from GMA News)

Ang mga litrato sa ibaba ang karaniwang makikita sa Carriedo, Maynila. Mapapansin na may mga vendors na sa gitna mismo ng kalsada inalalatag ang kanilang paninda.

(Photo from ArchonDigital)

(Photo from Paul Michael Briones)

Ito po ang ilan sa mga komento ng mga kababayan natin sa ginagawang hakbang ng lungsod ng Maynila upang malinis at magamit muli ng mga motorista ang mga kalsadang inokupahan ng mga vendors. Galing po ang mga reaksyon na ito sa Facebook page ng GMA News.

“Sa wakas gumanda at nanumbalik ang maluluwag na kalsada sa manila ang galing mo mayor isko moreno ikaw lang pala ang magpapabago ng kalsada sa maynila na maging maluwag at maibalik sa dati ang manila god bless po sa inyu,” sabi ni V. Laderas.

“Great job Mayor Isko. ! God bless po.
Maging malinis wag basta mgtapon ng basura. Kng mapinturahan yng mga building para maganda.
Madami problema ang Manila yng mga ilog, estero grabe basura.
Sana mkiisa ang mga tao sa knya.
Salamat po ulit Mayor!”
sabi ni A, Abiera.

“Wow, i used to work there for a short time ( Josenia Dept Store) in the late 70’s and this really amaze me. What a beautiful sight.Sana sa Quiapo din” sabi ni V. Dedeles.

Source: GMA News | ArchonDigital | Paul Michael Briones

Leave a Reply

Theme by Anders Norén