Local News

Panoorin: ‘Ang Manunuhol ay Kakatayin ko’ – BuCor Chief Bantag

“Ang magbibigay sa akin ng pera ay mamalasin. Hindi pala, kakatayin ko!”

Ganito ang naging banta ngbagong talagang Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag sa mga magbabalak na manuhol sa kanya. Kamakailan lang ay napa-ulat na hindi lang baril ang dala ni Bantag sa pagsisimula ng kanyang bagong trabaho si BuCor, mayroon din daw itong bitbit na samurai.

Sa simula pa lang ng kanyang trabaho bilang hepe ng BuCor, sinampulan na agad niya ang Bilibid at pinagsisibak ang nasa 300 na jail guards. Pinalitan ito ng mga 500 na kapulisan habang ang gma jail guards ay isasailalim sa retraining at evaluation.

“Director general Bantag has asked for assistance because he is looking for personnel he could trust. That is why we decided to extend help by providing him with the initial manpower he wants to secure the NBP, since the location of the NBP (is) within the jurisdiction of NCRPO,” sabi ni NCRPO Chief Eleazar.

Nakipag-ugnayan din siya sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para pagwawasakin ang mga kubol at mga iligal na istruktura na pinagawa ng mga inmates sa Bilibid.

“Wala ng V.I.P na nagtatago sa jacuzzi di ba? Para lahat pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. Basta ikaw ay PDL (person deprived of liberty), PDL ka. Hindi porke’t P*** may pera ka ay bibilhin mo ang mga tao di ba? Ang mga kubol kasi hindi pwedeng pumasok yan dahil illegal structure… Eh ‘yung mga mayayaman kasi dahil may pera, eh di nagpatayo (ng kubol)… Bakit may nakagawa ba ng ganito? Ang ating Pangulo lang naman eh, si Mayor Duterte. Sino ba ang kasama niya palagi? Si Senator Bong Go, di Ba?,” sabi ni Bureau of Correction (BuCor) Chief Director General Gerald Bantag.

Si Bantag ay naging kontrobersiyal matapos pumanaw ang ilang preso sa ParaƱaque Jail dahil sa pagsabog. Nagpaputok din si Bantag ng baril nang mag noise barrage ang mga preso sa Manila City Jail.

Source: GMA News | RTVM | Eagle News | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén