Local News

‘ANG PAGIGING PRESIDENTE AY DESTINY’ Pacquiao, may Mahiwagang Mensahe!

Ibinahagi ni Senador Manny Pacquiao ang gusto niya para sa susunod na Pangulo ng Pilipinas pero tikom pa rin siya sa mga usa-usapan na tatakbo siya sa posisyon sa 2022.

Magugunita na sinabi ni Senator Panfilo Lacson na may balak ang boksingerong senador na maging presidente ng bansa.

“Two or three times he approached me and sat beside me and he said, ‘Baka pwedeng mag-usap tayo.’ Kasi ‘yun nga, may plano nga siya, baka pwedeng tulungan siya especially sa budget, ‘yung mga ganun… Sinabi naman niya and he’s quite open about it. Although ayaw niyang pag-usapan because of virus. In fairness to him, consistent naman siya na COVID na muna tayo, wag muna ‘yung politika,” sabi ni Lacson,

Naging laman ng balita si pacquiao nitong nagdaang mga araw matapos niyang kontrahin ang resolusyon ng kaniyang partido para patakbuhin bilang bise si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Narito ang reaksyon ng ilang netizens sa sinabi ni Pacquiao.

“hindi nga kita ibinoto sa pagka senador, presidente pa? ano ba nagawa mo sa senado? ilan bang batas napanukala mo? napakinabangan ka ba sa mga pilipino sa trabaho mo sa senado? ang mamumudmod mo ng pera sa mga tao ay hindi gawain ng isang mambabatas, ang gawin ay gumawa ng batas na lahat ay makinabang. huwag mong utoin ang tao sa pera mo kunwari may pagmamalasakit ka sa kanila. ginagamit mo lang sila sa sarili mong ambisyon hindi para tulongang umonlad ang bayan. ”

“Sen Manny the Filipino people admire you and everybody knows you mean well but this (Presidency) ones not for you…you can ask our present president about it…it takes more than destiny to be the President…god bless you sir”

“sa lahat ata ng pananaw mo sir ginagamit mo ang Diyos— sa pagiging pagpabor sa Death Penalty, ngayon ito naman. hahahaha”

“idol kita sa boxing manny, pati na sa magandang nagawa mo, pero mahirap ipagkatiwala sayo ang future ng pilipinas, hehe, magagaya ka lang kay PDUTS, yung magandang nagawa mo, mawawala yan sa isang iglap lang”

SPurce: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén