Local News

“Ang punto ay ang Pangilinan Law” Sharon Cuneta, Pinatamaan ba ni Ret. Journalist Jay Sonza?

Naging laman ng balita nitong nagdaang mga araw ang pagbabanta daw ng rape ng isang netizen laban kay Frankie Pangilinan, anak ni Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan.

Hindi nakatiis si Cuneta at nagbabala naman ito na ipapahanap niya ang nasabing indibiduwal para kasuhan.

“What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino,” boladas ni Cuneta.

Ang indibiduwal na pinatutungkulan ni Cuneta ay si Sonny Alcos.

“Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 years magtago ka na sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong,” sabi umano ni Alcos.

Nagbigay naman ng opinyon ang retiradong mamamahayag na si Jay Sonza ukol sa sinabi umano ni Alcos.

Ayon kay Sonza, ang punto sa post ni Alcos ay ang batas na gawa ng asawa ni Cuneta na si Senador Kiko Pangilinan, kung saan hindi pwedeng ikulong ang isang menor de edad kung makakagawa ito ng krimen.

“Ang laki talaga ng problema ng iilang nasa alta sosyadad ng Pinas. Comprehesion Problem. Reading & Understanding.

The focal point is the “Pangilinan Law on Minors” involved in criminality or Republic Act 9344. Kapag ang gumawa ng krimen ay 15 pababa, walang kaso, walang kulong. They cannot be sued. They cannot be detained. They cannot be jailed.

Kapag hindi ganyan ang pagkakaunawa mo sa post na ito, ang laki talaga ng problema mo.” buwelta ni Sonza.

Habang isinusulat ang blog entry na ito ay umabot na sa higit 6,000 ang reaksyon sa post ni Sonza. Naibahagi na rin ang opinyon ni Sonza ng lagpas 900 beses sa social media platofrm na Facebook.

Source: Jay Sonza | Archive | Manila Bulletin | Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: