Local News

Pagmasdan ang Pinagbago ng Manila Bay!

Kumakalat ngayon ang ilang larawan na nagpapakita ng pagkakaiba ng Manila Bay noon at ngayon. Sa unang larawan, makikita gilid ng Manila Bay na puno ng basura at ng kung anu-anong dumi. Ang mga sumunod na larawan naman ay nagpapakita ng malinis ng Manila Bay matapos ang unang araw ng rehabilitation.

Nitong Linggo, Enero 27, 2019, umabot sa 5,000 katao ang nagtipon para sa kick-off program ng Manila Bay Rehabilitation. Ang programa ay pinangunahan ng mga cabinet secretaries na konektado sa naturang proyekto tulad nina Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Tourism Secretary Bernadette Puyat, at iba pa.

Ang pagsasaayos sa Manila Bay ay isa sa mga hakbang ng kasalukuyang pamahalaan para protektahan ang kalikasan. Ayon sa ilang ulat, mataas na rin daw ang coliform level sa nasabing lugar. Ang colirform ay isang uri ng bacteria na nagmumula sa dumi ng mga tao at hayop.

Magugunita noong Abril nakaraang taon ay isinarado ng Duterte Government ang isla ng Boracay para isailalim sa rehabilitasyon. Matapos ang anim na buwan mula nang isara ang Boracay ay muli itong binuksan sa mga turista noong Octubre 2018. Ngayon ay namamangha na ang mga dayuhan sa ikinaganda at ikinalinis ng Boracay.

Panoorin ang ilan pang ulat tungkol sa ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Source: Alex Tigno

2 Comments

  1. Vergel Laviña

    Sana ulit ulitin nila tuwing pagkakatapos ng bagyo.

  2. Lerma

    Keep up good works to all who help and join cleaning Manila bay 🙏🙏🙏🥰

Leave a Reply

Theme by Anders Norén