Local News

Ang Taping ng ‘Ang Probinsyano’ ay Public Service! – Coco Martin

Hindi na nadala si Coco Martin sa batikos na inani niya matapos maglabas ng saloobin tungkol sa ABS-CBN shutdown. Magugunita na tumaas ang kilay ng ilang kababayan natin nang sabihin ni Coco sa kanyang rant kamakailan na namomroblema siya kung paano papakinin ang pamilya dahil sa pagpapahinto sa pag-ere ng Kapamilya network.

“Ito iyong pagkakataon natin na lumaban eh. Wala na tayong trabaho, Ano pang iingatan natin? Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako… Hindi labanan ‘to ng diplomasya, binabarubal na tayo eh. Kinuha Tinatarantado na tayo eh. Kinuha na bahay (ABS-CBN) natin. Ano i-expect natin? Di Ba? ‘Pagdasal natin sila? Pinagdadasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos tayo. Dapat magsalita tayo. Dapat ang lahat ng mga artista iparinig ninyo nawala sa atin,” sabi ni Coco.

Alam kasi ng karamihan sa ating kababayan na isa ang aktor sa may pinakmaraming endorsement deals . Ilang taon lang din ang nakaraan ay ipinakita pa ng Kapamilya actor ang 2,000 sqm na mansyon sa publiko.

Sa kanyang pinakahuling social media post, sinabi ng aktor na serbisyo publiko daw ang ginagawa nilang taping para sa programang “Ang Probinsyano”.

“Hindi lang po basta trabaho ang ginagawa namin sa likod at harap ng camera, ito ang pagseserbisyo namin sa bayan at sa lahat ng Pilipino saan mang lupalop ng mundo!” sabi ni Coco.

Dahil daw kasi sa taping ay hindi na nila nakakapiling ang pamilya para lang makagawa daw ng palabas na mapapanood ng mga tao.

“Kung minsan ay halos hindi na kami umuuwi ng aming mga bahay para makita ang aming pamilya… Sinusuong namin ang kahit anong kalamidad makapagbigay lang ng kaledad na palabas sa manunuod, at upang makapagbigay ng inspirasyon na lumaban sa kahit anong hamon ng buhay.” ani Coco.

Source: PEP | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: