Local News

“Ang Tatay ko ang Tagapagtanggol ng Saligang Batas at Karapatan natin” – Frankie Pangilinan

May bagong boladas na naman ang anak ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Frnachis “Kiko” Pangilinan na si Frankie Pangilinan. Ito ay kaugnay sa nag-trending sa social media na #OustKiko kung saan isinusulong na sipain sa pagiging chairman ng Constitutional Committee sa senado si Senador Kiko.

Ayon kay Frnakie, ang tatay niya daw ang nagbabantay sa konstitusyon at habang binabantayan daw ito ng kanyang ama ay hindi daw ito magagalaw ng kasalukuyang administrasyon.

Isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong nangangampanya siya para sa pagka-presidente ay ang Federalismo. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagbabago sa konstitusyon.

Si Frankie at ang kanyang amang si Sen. Kiko ay ilan sa mga maiingay na kritiko ng Duterte Administration.

Sa ulat ng The Manila Times, nakasaad na 1,488 na mga alkalde ang nagsusulong ng reporma sa konstitusyon. Layon nila na magkaroon ang lokal na pamahalaan ng patas na bahagi sa mga buwis na nakokolekta ng national government. Pinaalis din nila ang restrictions sa foreign investors. Ayon sa resolusyon ng mga alkalde, mabibigyan ng oportunidad sa kabuhayan ang mga tao pag inalis ang restrictions sa foreign investors.

“This is a welcome development. The municipal mayors themselves have spoken and recognized the urgency of amending the Constitution because they recognize the greater need for regional development, particularly in terms of health infrastructure, facilities and equipment, especially now that we are in the middle of a health crisis… The pandemic has clearly shown us that unequal economic development across regions is a grave problem not only socioeconomic-wise but also health- and governance-wise. Thus, part of the long-term solution to this problem are amendments to the Constitution as proposed in the CORE campaign of the DILG,” sabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa isinusulong ng mga alkalde.

Source: Inquirer | Abogado | The Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: