Local News

Angel Locsin, Nabiktima ng MISLEADING HEADLINE ng ABS-CBN!

Hindi umubra kay Angel Locsin ang misleading headline ng ABS-CBN news ukol sa kanyang naging pahayag sa online event na Laban Kapamilya noong Mayo 12.

Tumagal ng dalawang minuto ang pagsasalita ni Locsin kaugnay sa problema sa prangkisa ng kanyang network.

“Naniniwala po ako na, sana po, ma-extend po ang prangkisa ng ABS-CBN. . Hindi lamang po ito makakatulong sa mga manggagawa ng ABS-CBN, kung hindi para po sa mga nag-aabang ng updates, sa entertainment, sa information, kung may kailangan po ng panawagan, kung may nawawalang bata, kung anuman po, kung may kailangan po ng tulong, kung ano pa. Huwag ho sana nating kalimutan na ang majority dito sa Pilipinas ay wala pa pong access sa mabilis na internet, o internet mismo. Mayroon pa rin tayong mga kababayan na sa radyo pa po nakadepende, kabilang po diyan ang tatay ko na bulag. Alam ko po na mayroon po tayong ibang network, but the more information and the easier access to information for everyone is better. Dahil alam ko po, alam po nating lahat na sa pandemyang ito, every second counts. Humihingi po ako ng extension sa NTC para po meron po tayong time, ang ating pong Kongreso para po sa maayos na pagdinig at paglilitis. Wala pong VIP treatment dun. Again, kung may mali po ayusin po natin, pero hindi po ang closure ang solusyon. Lalo na po ngayon sa panahon ng pandemya. Bigyan niyo po sana ng pagkakataon ang ABS-CBN na makapagpaliwanag at kung ano man ang pagkakamali ay ma-improve pa po. At uulitin ko po, ang pagpapasara po ng network sa gitna ng pandemya ay hindi po solusyon at hindi po makakatulong sa maraming Pilipini. Ayun lamang po,” sabi ni Locsin.

Pero iba ang naging headline sa balita ng ABS-CBN news.

“Angel Locsin: Taking ABS-CBN off air puts public safety at risk during pandemic.” sabi sa headline ng Kapamilya Network sa kanilang social media account.

Agad naman tinawag ni Locsin ang atensyon ng ABS-CBN News para ayusin ang headline nito.

Matapos ang naging pagsita ng aktres ay binago na ng ABS-CBN ang pamagat ng kanilang artikulo.

Source: PEP | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: