Local News

Angel Locsin, Tinuruan ang Gabriela ng Self Defense sa isang Lumang Footage!

Sa isang lumang video makikita ang aktres na si Angel Locsin na nagtuturo sa pagtitipon ng Gabriela kung paano defensahan ang sarili. Sa nasabing footage, ipinapakita ni Locsin ang tamang paraan ng pagdepensa sa sarili. Para kay Loscin, proud daw siya na parte siya ng Gabriela.

“Ito ay chance na makatulong sa mga nangangailangan talaga at may cause. Hindi ‘yung keme-keme lang at may pinaglalaban talaga. I’m very proud na part ako ng Gabriela,” sabi ni Locsin.

Ayon sa mga opisyal ng Gabriela, makatutulong daw si Locsin sa kanilang kampanya laban sa karahasan sa Kababaihan.

“Nagpapasalamat kami kay Angel dahil may mga followers si Angel at may kumikilala sa kanyang personahe. Tingin namin ay makakatulong ito sa kampanya namin laban sa karahasan sa kababaihan,” paliwanag ni Emmi de Jesus.

“Ito kasi ay isang public information campaign ng Gabriela para malaman ng mga kababaihan ang mga karapatan nila tungo sa pagwawakas sa karahasan sa kababaihan,” ani Liza Masa.

Source: YT | YT

Leave a Reply

Theme by Anders Norén