Local News

Anne Curtis, Kinuwestiyon ang Trato sa Aktibista na Nahulian ng Bomba noong 2019!

Walang-sawa ang media ngayon sa pagtutok kay Reina Mae Nasino, ang aktibista na hinuli noong 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives.

Kamakailan lang ay pumanaw ang anak ni Nasino at pinayagan naman ito ng korte na bumisita sa burol ng anak nito, sa kondisyon na babantayan ito ng mga alagad ng batas.

Sa kalagitnaan ng pagtutok ng mainstream media sa nangyayari kay Nasino, hindi naiwasan na nagmukhang masama ang otoridad dahil sa mahigpit na pagbabantay sa suspek.

Isa sa mga umaangal ngayon ay si ABS-CBN actress Anne Curtis. Ayon kay Curtis, sana daw ay bigyan ng “compassion” si Nasino dahil ito ay nagluluksang magulang.

“Was it really too much to ask to have compassion for a grieving mother?” boladas ni Curtis.

Si Nasino ay hinuli ng mga alagad ng batas sa Maynila dahil nakatanggap ang otoridad ng verified information ukol sa mga masamang aktibidades ng mga aktibista.

Ilan sa mga nakumpiska ng otoridad noong ni-raid nila ang hide-out ng mga aktibista ay ang Bushmaster caliber 5.56 xm15-E26, 2 short magazine for cal. 5.56 mm, 45 pieces ammunition para sa caliber 5.56 mm, 1 Colt MK4 series 80 caliber 45, Colt automatic caliber 45 at 2 granada.

“The PNP performs its mandate to enforce the law following established procedures with utmost respect for human rights,” he said, when asked if there is a crackdown on activist groups in the country… We assure the public that the PNP remains alert and vigilant to prevent occurrence of crimes and ready to respond to any emergency, calamity and call for assistance,” paliwanag ni Banac.

Source: Philstar | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: