Local News

Ano bang nagawa ni Sara? Monsod Naniniwalang mas maayos na Kandidato si Leni!

Naniniwala ang ekonomista at kolumnista na si Winnie Monsod na mas nararapat na maging susunod na lider ng Pilipinas si Vice President Leni Robredo, kaysa kay Presidential daugther at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa kanyang artikulo sa Inquirer ay kinumpara ni Monsod ang dalawang personalidad.

Matapos daw pananaliksik gamit ang internet, sa tingin ni Monsod ay mas magiging mabuting lider si Robredo kkumpara kay Mayor Sara.

“Well, what do we know about them? I went to Wikipedia, and I also googled the two ladies. And I must say, based on what I read from these two sources, there is no question in my mind that Leni Robredo is the better candidate. You are of course free to disagree with me, Reader, as long as you also show your basis.” ani Monsod.

Wala din daw makita si Monsod na mga proyektong natapos ni Mayor Sara.

“What is noteworthy, Reader, is that search as I might, I could not google any information about any project or any activity that Sara Duterte undertook as a political leader, much less in civil society. I do remember a picture of her assaulting a sheriff who was trying to do his duty.” saad ng ekonomista.

“On the other hand, Leni Robredo has the Sumilao Farmers’ Express, the Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal, which extends legal support to the needy, and the Lakas ng Kababaihan ng Naga under her belt. The Office of the Vice President always passes the COA audit with flying colors, and has received awards for excellent management.” dagdag niya pa.

Para kay Monsod, “malinis” si Robredo at wala daw ambisyon ang mga anak nito na pumasok sa mundo ng politika.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: