Local News

“Ano ng plano? Tulog na lang?” Angelica Panganiban, may Boladas sa Opisyal ng Gobyerno!

Sa kasagsagan nng pananalasa ng bagyong Rolly sa ating bansa. Nagpasaring si ABS-CBN actress Angelica Panganiban laban sa isang opisyal ng gobyerno. Sa kanyang social media post, kinuwestiyon nito ang aksyon ng nasabing opisyal. Hindi pinangalanan ni Panganiban ang opisyal na tinutukoy niya.

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino,” sabi ni Panganiban.

Hindi naman pinalampas ni Department of Transportation Assistant Secretary Hope Libiran ang mga patutsada ni Panganiban.

“Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. 😅
Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA.
Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang.” buwelta ni Libiran.

Pinatutsadahan naman ng abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ang aktres.

Source: Angelica Panganiban | Asec. Goddes Hope Libiran | Atty. Ferdinand Topacio

Leave a Reply

Theme by Anders Norén