Local News

“Ano pinapalabas mo? You’re better than DU30 in the drug war?” DDS Blogger to Mayor Isko

Kahapon, ibinida ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ginawang anti-drug operation ng kapulisan sa Baseco, Tondo, dahil ang lahat ng mga hinuli ng pulis ay buhay. Ayon sa Punong Lungsod ng Maynila, nirerespeto daw nila ang karapatang pantao.

“35 ang inaresto, 35 ang buhay. We don’t tolerate drug suspects in our city, but at the same time, we respect human rights. They are suspects, let them prove their innocence before the court,”

Ang pahayag na ito ni Moreno ay napuna ng ilang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nagbigay ng reaksyon ang mga ito ukol dito. Si Pangulong Duterte ay binabanatan ng mga kritiko nito kaugnay sa karapatan pantao.

Isa sa nagbigay ng opinyon ay ang blogger at piskal na si Atty. Darwin Cañete. Kinuwestiyon ni Cañete kung may pinalalabas ba si Moreno sa pahayag nito at kung pinatatamaan din ba nito si Pangulong Duterte.

“So…Ano pinapalabas mo. You’re better than PRRD in the drug war? Throwing shade at the president? Aga naman ambisyon mo sir. Baka ma-Binay ka. We expect cheap shots like this from Dilawans. 35 lang iyan. Try hundreds of thousands. May pustahan na ba sa 2022… Saan? sa Macau o Solaire?” banat ni Cañete.

Para naman sa isa pang pro-government blogger na si Attorney Trixie Cruz-Angeles, gusto pa rin daw niya si Mayor Isko pero hindi dapat ito mawalan ng focus. TInanong din niya ang alkalde kung sino ba ang hindi gumagalang sa human rights.

“Bakit, Mr. Mayor, SINO ang hndi gumalang sa Human Rights? Papangalanan ninyo? Dont lose your focus sir. We still like you. But don’t do this.?” sabi naman ni Atty. Cruz-Angeles.

Idenetalye naman ng radio host at isa ring DDS blogger ang mga nagawa ni Pangulong Duterte sa drug war at kung ilan ang mga nahuling buhay kada araw sa kampanya ni Presidente Duterte.

ETO ANG REAL

Huy yung mga megastar and overlords natin sa traditional media, wala naman problema yan i-highlight nyo ng i-highlight ang mga ginagawa ni yorme Isko Moreno Domagoso…

Ok naman yan, and congrats yorme! Ipagpatuloy mo yang napakagandang ginagawa mo para sa Maynila.

Pero kung nakaka impress ang 35 na drug personalities na natimbog ni yorme, eh baka naman gusto nyo din naman bigyan espasyo yung 193,086 na NAARESTO AT BUHAY sa 3 year drug war ni President Rody Duterte.

Opo, 193,086 yan from July 1, 2016 to June 30, 2019.

Aba pag kinalkula natin yan eh lalabas ang Anti Drug War ay nakakahuli ng 176 drug personalities ARAW ARAW in the last 1,095 days.

176 versus 35.

Di ba impressive din yan? Staggering nga eh if itapat pa natin…

Oo nga pala, meron pa jan sa 193,086 eh mga HIGH VALUE TARGET na aabot sa 7,054.

Ang alam ko ni re report naman sa inyo yan ng administration. Ang alam ko nga may press conference pa yan at may mga explanation.

And alam ko din, yang ganyang balita eh very good copy lalu na kung ihahanay sa anggulong EJK na tila baga na mas gustong gusto nyo na sinesensationalize…

Pero sige, kung ayaw nyo, kami na lang ang magbubulong sa taumbayan.

Kahit hindi kami legitimate journalists… sabi ni Lopez.

Source: Atty. Darwin Cañete and Atty. Cruz-Angeles

Leave a Reply

Theme by Anders Norén