Local News

‘Anong gagawin namin mag-tumbling parang pelikula?’ ABS-CBN Host, Sinagot ni Gen. Eleazar

“Splits second. Its was a judgement call for the police. Eh kung nakabunot yung at nakapagpaputok sa pulis, disgrasyang katakot-takot iyon,”

Dinepensahan ni Task Force COVID-19 Shield commander Guillermo Eleazar ang naging hakbang ng pulis na nakabaril at nakapatay sa quarantine violator na kalaunan ay napag-alamang isang dating sundalo.

Diretsahan din sinagot ni General Eleazar ang pagkuwestiyon ni ABS-CBN News Channel host Christian Esguerra na pwedeng namang barilin na lang sa paa at hindi patayin ang lalaki. Ipinaunawa din ni Eleazar sa host na ang trabaho ng mga pulis ay hindi parang pelikula. Madaling din daw sa ialng tao ang bumatikos sa naging halbang ng alagad ng batas lalo na at wala sa sitwasyon ng kapulisan.

“Makikita natin na pagbaril niya ang tama ay hindi sa ulo kundi sa katawan. And just seconds after that, anong narinig mo? Tumawag ng ambulansiya. The point is to talagang i-subdue lang siya. Una nakita na ayaw talagang mag-react o sumunod sa sinasabi ng pulis, pagharap nagcha-challenge at bumunot pa ng baril. Anong gagawin mo Christian? Iilag kang parang sine? Ta-tumbling ka muna bago mo i-approach? Well, it’s very easy to criticize the police pero kayo ang lumagay sa posisyon namin. May pamilya rin tayo,” sabi ni Gen Eleazar.

Ayon pa kay General Eleazar, maaaring parehas din daw ang naging reaksyon niya kung siya ang nalagay sa sitwasyon na iyon.

Sinagot din ni Eleazar kung nasunod ba ang standard operating procedure (sop). Para kay Eleazar, makikita naman daw na nagbigay ng verbal warnings ang pulis sa lalaki sa loob ng dalawang minuto. Pwede din daw gumamit ng pwersa ang mga kapulisan kung kinakailangan. Nagpa-usapan din ng ABS-CBN host at ni General Eleazar ang bintang ng ilan na walang baril ang dating sundalo. Paliwanag ni Eleazar, mayroon ngang narekober na caliber 38 sa lalaki.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén