Local News

Anthony Taberna, May Banat kay Drilon tungkol sa SEA Games!

Sa isang Facebook post ay binulalas ng betaranong broadcaster na si Anthony Taberna ang pagka-bilib niya sa opening cermonies ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

“Anak ng bakang dalaga! Lampas alas dos na ng madaling araw ay di pa ko makatulog. Nahiya yata ang sarili ko na di man lamang makapagpost ng kahit ano tungkol sa kagilagilalas at nakaka-proud na opening ceremonies ng 30th SEA Games. Kumbaga, ayaw akong patulugin ng aking konsensya nang hindi ako nakakabakas at makapagsabing ikinararangal kong maging Pilipino! Pambihirang patis – hanggang ngayon ay naglalayag pa rin sa isip ko ang ‘hinahanap-hanap kita Manila, ang ingay mong kaysarap sa tenga…🎵 🎼 ‘ Alam ko na na-LSS din kayo,” sabi ni Taberna.

Binanggit din ni Taberna sa kanyang post ang mga kritisismo ng ilang kababayan natin isang linggo bago idaos ang opening ceremony ng SEA Games.

“Andami ng nasabi sa social media, sasang-ayon na lang ako sa mga papuri nila. Pati yung mga nabigla noong isang linggo na ang lumabas sa bibig ay “nakakahiyang maging Pilipino” ay gusto na ring magsabi na proud Pinoy ngayon! Pero wag ka, sa dami ng mga magagandang nakita,” paliwanag ni Taberna.

Hindi rin pinalampas ni Taberna na bumanat sa ilang miyembro at taga-suporta ng oposisyon.

“meron pa ring iba dyan na naghahanap ng maipipintas at maibubutas! Hayaan na natin sila, kung saan sila maligaya. Salamat sa mga organizers at salamat din at merong Philippine Arena! Sarap maging Pilipino. O ayan sarili ko, matulog ka na. Baka maging kamukha ka pa ni Raissa, Jim, Frank at Lea,” dagdag pa ni Taberna.

Magugunita na naging laman ng balita si Senador Frank Drilon noong nakaraang buwan dahil sa pagtuligsa nito sa presyo ng SEA Games cauldron. Ayon sa senador, tila kalabisan o “extravagant” ang P50 milyong pondo na ipinagpaggawa sa cauldron. Ipinaliwanag naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ang bulto ng pondo ay nilaan sa safety flame mechanism ng cauldron para maiwasan ang sakuna.

Source: Anthony Taberna | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén