Local News

Anti-Communist Agenda ng DU30 Govt, Kinontra ni Hontiveros

Binatikos ni opposition senator Risa Hontiveros ang kampanya ng Duterte Administration kontra sa mga rebeldeng komunista. Ayon sa mambabatas, naalarma daw siya dahil mas namamayani umano ang paglaban sa mga rebeldeng komunista imbes na tutukan ang krisis sa kalusugan.

“At a time of the biggest health crisis the country has ever seen, I am alarmed that this anti-communist agenda reigned over the literal health and survival of the Filipino People… When you openly vilify and tag civilians as communist rebels, you only lend credence to the suspicion that you have blood on your hands,” boladas ni Risa.

Ang patutsada na ito ni Hontiveros ay sinabi niya matapos iugnay ng ilang grupo ang pagkamatay nina Dr. Mary Rose Sancelan at Dr. Edwin Sancelan sa red-tagging.

“This attack is only one of the many horrific killings in the country, legitimized by an administration that has distorted the meaning of human rights… I ask everyone, especially our own government officials, to cease all careless and pernicious red-tagging of our people. Innocent lives are at stakes,” kuda ni Hontiveros.

Magugunita na noong sente hearing ukol sa red-tagging ay pinuna ni Hontiveros ang ebidensiya ng gobyerno ukol sa koneksyon ng mga aktibista sa mga New People’s Army (NPA). Sa nasabing pagdinig, ipinakita ng pamahalaan ang mga nasawing NPA kung saan ang karamihan sa mgaito ay mga mag-aaral na aktibista.

“Speaking as a mother and as a long time peace advocate as well, tama po ba talaga na magpakita tayo ng ganiyang mga videos tungkol sa mga bata at mga anak ng mga kapwa magulang natin, na who are now dead and cannot speak for themselves?” ani Hontiveros.

Source: One News | Usec. Lorraine Badoy | Archive | Philippine Senate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén