Local News

Bigyan ng Pag-asa Kahit Rebelde? Anti-Communist Tarpaulin, Pinatanggal ni Mayor Isko!

Kahapon ay napabalita ang isang tarpaulin sa Maynila kung saan may nakasaad na “persona non grata” ang mga rebeldeng komunista sa Metro Manila.

Ang tarpaulin na ito ay agad pinatanggal ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ayon kay Mayor Isko, sa panahon daw ng pandemiya ay kailangan magbigay daw ng pag-asa sa bawat isa.

“There is pandemic, what we need is to continue to give hope to each and everyone, spread love and compassion, pagmamalasakit sa kapwa. While it is true that we have different political perspectives, political views, that I respect but there is time for politics. For now, what I want for the City of Manila, we as Manileños at ‘yung mga taong dadako sa Lungsod ng Maynila ay magiging responsableng indibidwal, mapagmalasakit na indibidwal,” sabi ni Mayor Isko.

Ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay lubos ang kampanya para laban ang lagim na dinudulot ng mga rebeldeng komunista. Magugunita na nagkaroon pa ng pagdinig sa kongreso kung saan tinalakay ang ginagawang recruitment ng mga makakaliwang grupo sa mga unibersidad. Ilan sa mga nagbigay ng pahayag ay mga magulang ng nawalay sa kanilang anak dahil sa kagagawan ng mga makakaliwang organisasyon.

Isa sa mga nagsalita ay si Ginang Relissa Lucena. Narito po ang kanyang pahayag sa senado noong 2019:

“Ang anak ko walang alam sa mundo, first time pa lang siyang lumayo sa bahay namin, hindi pa siya ganun ka exposed. Pero nung first semester nakita ko na ‘yung changes. Matigas na siya. Nag-open siya sa akin, Anakbayan na daw siya at lider na siya… Sinasabihan ko siya na huwag ka diyan. Against ako sa ginagawa nila pero hindi naman sa pinaglalaban nila… Sabi niya full-time na siya sa Anakbayan. Nung nalaman niyang nagsumbong ako, sabi niya kalaban na daw ako, huwag ko na daw isipin na may anak siya at ayaw na niyang mag-aral… Responsible po ang anak ko, hindi ko matanggap na ganyan ang gagawin niya”

Source: Manila Public Information Office

Leave a Reply

Theme by Anders Norén