Local News

Anti-DU30 Propaganda, Sangkot ang Staff ni Sen. Kiko? Ethel Booba, may Pasabog!

Magugunita na nitong nakaraang mga araw ay naging laman ng balita ang pagtakwil ni Ethel Booba sa isang Twitter account na gumagamit sa pangalan niya para birahin ang pamahalaan.

Ngayon ay naglabas na siya ng video upang ipaliwanag ang istroya sa likod ng taong gumagamit sa kanyang pangalan sa naturang social media.

Ayon kay Ethel, hinayaan daw niya dati ang administrator ng naturang account dahil wala naman daw halong politika ang mga inilalathala ng naturang admin. Pero umalma daw siya nang bumabanat na ito sa mga politiko.

Nagpakita din si Ethel ng coversation niya at ng diumano’y staff ni Senador Kiko Pangilinan. Makikita sa conversation ang Facebook page na “Now You Know”. Ang nasabing Facebook page ay isa sa mga naglathala ng Bikoy Videos na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi napigilan ng radio host na si Mark Lopez na magkomento sa mga sinabi ni Ethel.

“Langya, office at staff ni Kiko Pangilinan, nagpapatakbo ng anti-Duterte na propaganda page. Bukayo.” sabi ni Lopez.

Narito naman po ang video reaction ni Manila Bulletin columnist RJ Nieto at ni Maastricht University lecturer Sass Rogando Sasot sa sinabi ni Ethel.

Source: Ethel Booba | Thinking Pinoy | Mark Lopez | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: