Local News

Anti-SOGIE BILL Rally, Inilunsad!

Nitong nakaraang buwan ay naging mainit na usapin ang patungkol sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill o mas kilala sa tawag na SOGIE Bill dahil sa insidente ng diumano’y “diskriminasyon” sa transgender na si Gretchen Diez na pinagbawalan gumamit ng female toilet sa isang mall.

Tinutukan ng media ang istorya ni Diez at pati ang ilang personalidad mula sa mundo ng showbiz ay nagpahayag ng pag-pabor sa naturang panukalang. Subalit may mga kababayan rin tayong tutol sa SOGIE Bill.

Kahapon ay nagpakita ng puwersa ang mga Pilipinong hindi sang-ayon sa nasabing panukalang batas sa pamamagitan ng pagsasama-sama at kilos-protesta sa senate grounds. Pinangunahan ito ng mga estudyante at ilang religious groups.

Ilan sa pinangangambahan ng mga hindi pabor sa SOGIE bill ay maaari daw itong maging daan para maipasa ang same-sex marriage sa hinaharap. Ganito rin ang naging opinyon ni Senate President Tito Sotto.

Naririto po ang reaksyon, komento at tugon ng ilang kababayan natin sa kaganapan na ito.

“basahin mo mabuti ang draft ng SOGIE BILL .. hindi kayu humihingi ng equality.. gusto nyo bigyan kayu ng malaking pavor sa batas na hinihingi nyo!! kmi pa na normal nanamumuhay ang mg aadjust sa inyo?? ilang daang decada na ang pinaniniwalaan naming kristiano at muslim.. babaguhin lng ang paniniwala namin dahil lng sa inyo!!? humingi nlng kayu ng sapat na respito at ibibigay nmn yan ng mga tao.. sana alam nyo kung saan kayu lulugar…,” sabi ni K. Provido.

“Dapat siguro mgkaroon na sila ng sariling cr 2 bagay kasi pag pinagsama ang bakla at babae ng cr una merun talagang bakla na trans gender na na gagamit sa cr ng girl 2nd maaring gawing modus ng ilan magpangap na bakla para makapasok sa cr ng girl at me motibong iba so sana irespeto nalang ang privacy ng tunay na mga girl kasi maaring ikapahamak yun ng mga babae sana mga kabaklaan hwag na lang ipilit para s kaligtasn ng mga babae,” sabi ni A. Peña.

Source: Manila Bulletin | Philippine Star

Leave a Reply