Local News

Anti-Terror Bill, Natanggap na ng Opisina ni President Duterte!

Pirma na lang ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang kailangan at maisasabatas na ang Anti-Terrorism Bill.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pirmado na niya at ni House Speaker Alan Peter Cayetano ito. Natanggap na ng Office of the President, Office of the Executive Secretary, at Office of the PLLO ang panukalang batas.

“Email already received but i’m waiting for the actual receipt… Technically, it’s as good as received,” ani Sotto.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na busisisiin ng mga opisyal ng Palasyo ang panukala ang batas.

“Iyan na naman po ay dadaan sa proseso, pag-aaralang mabuti ang mga probisyon at kung meron pong mga probisyon na unconstitutional then i-a-advice si Presidente kung ibe-veto o hindi,” Roque said in a televised briefing…. We have a 30-day period to review, either to veto or to sign the bill. Otherwise, kung walang aksyon ang Presidente it will become law,” sabi ni Roque.

Magugunita na may ilang grupo na bumabatikos sa nasabing batas. Ayon sa mga pangkat na ito, makikitil daw ang kalayaan sa pamamahayag dahil sa panukalang batas.

Nilinaw naman ng ilang opisyal ng gobyerno na may panuntunan sa panukalang batas para mapangalagaan ang karapatan-pantao ngmga mamamayan.

“What these detractors, mostly Reds and their allies, have done is to pick some provisions and add their own interpretations to scare people. People need not fear. The proposed law has safeguards of civil liberties and sanctions to law enforcement agencies… This bill was deliberated lengthily by both Houses and all sectors were invited as resource persons during these deliberations. All sides were heard… My comment on those opposing this measure is that their opposition is baseless as there are sufficient provisions protecting people’s rights and there are penalties and punishments for law enforcers caught abusing the law. Our people have nothing to fear,” sabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: