Local News

‘Anti-Terror Law Rally, Binigyan ng Permit! Rally laban sa Smartmatic-COMELEC, Ayaw!’ Atty. Chong, may Mensahe kay Yorme!

Pumalag si Atty. Glenn Chong sa ginawa ng Manila City Hall nang mag-apply sila ng rally para maglabas ng galit sa Commission on Election (COMELEC) at Smartmatic. Ayon sa abogado, hindi sila binigyan ng permit pero ang mga nag-rally laban sa anti-terror law ay binigyan daw ng permiso ng Manila City Hall.

“‘Yung Manila City Hall ay ayaw kaming bigyan ng permit na mag-rally sa harap ng COMELEC… Attention kay Mayor Isko Moreno. Sir, nag-apply po kami ng permit. Ang rally namin dapat ay Feb. 4. Indignation rally ito sa harap ng COMELEC. So hindi kami binigyan ng mga tauhan niyo ng permit dahil covid. Pero ‘yung iba binigyan nila ng permit, ‘yung nag-rally sa korte suprema, sa anti-terror law, nag-rally sila doon, eh bakit sila binigyan ng permit.” sabi ni Chong.

Hinamon ni Atty. Chong si MOreno na ipakita ang tapang nito.

“Karapatan namin ihayag ang galit namin sa sindikatong COMELEC at Smartmatic. Kung ayaw niyong bigyan, ano pong ibig sabihin nun? Takot po kayo sa sindikato? Ipakita niyo po sa amin na hindi kayo takot sa sindikato,” dagdag ni Chong.

Kamakailan lang ay sinabi ni Mayor Isko na pinag-iisipan niya kung tatakbo na sa mataas na posisyon sa 2022. Mayroon din itong pinasaringang political figure.

“Lahat kaming mga politiko, the moment sinawsaw namin ang paa namin sa putik ng politika or sa kalsada ng politika lahat kami at the back of our mind wish to get to the highest position (President)… Hindi ko gagawin yung kunwari ayaw (tumakbong Presidente) pero gusto, nabili na ‘yun eh, hindi ko kayo ilalagay sa waiting game, we have to be decisive with our decision,” sabi ni Mayor Isko.

Source: Atty. Glenn Chong

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: