Local News

Anti-Terrorism bill, Certified as Urgent na ni PDU30!

Sinertipikahan na “urgent” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-amiyenda sa anti-terrorism law.

Sa kanyang liham kay House Speaker ALan Peter Cayetano, sinertipikahan niya na urgent ang House Bill no. 6875 na mag-a-amiyenda sa Human Security Act of 2007.

“(Speedy passage aims to) address the urgent need to strengthen the law on anti-terrorism in order to inadequately and effectively contain the menace of terrorist acts for the preservation of national security and the promotion of general welfare,” sabi ng Pangulo.

Magugunita na may ilang personalidad at grupo na umaalma sa naturang panukalang batas dahil baka daw malabag ang karapatan-pantao ng mga mamamayan.

Pero ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana , karamihan daw sa mga umaangal ay mga komunista at mga ka-alyado ng mga ito. Wala rin raw kailangan ipangamba ang publiko dahil hindi naman ito gagamitin sa political opposition at progressive groups.

“What these detractors, mostly Reds and their allies, have done is to pick some provisions and add their own interpretations to scare people. People need not fear. The proposed law has safeguards of civil liberties and sanctions to law enforcement agencies… This bill was deliberated lengthily by both Houses and all sectors were invited as resource persons during these deliberations. All sides were heard… My comment on those opposing this measure is that their opposition is baseless as there are sufficient provisions protecting people’s rights and there are penalties and punishments for law enforcers caught abusing the law. Our people have nothing to fear,” sabi ni Lorenzana.

Kung sakaling maging ganap na batas ang panukala, makukulong ng 12 taon ang sinumang gagawa ng mga terorismo. Ganun din ang mga nag-uudyok na gumawa ng terorismo.

Source: Philippine News Agency | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: