Local News

Apat ng Pulis, Huli sa Akto na Nag-iinuman habang On-Duty!

Caught in the act ang 4 na pulis sa Las Piñas City habang tumotoma. Naabutan sila ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP – IAS) na nagtatagayan habang sila ay naka-duty.

Hindi na naitago ng apat na pulis ang ebidensiya ng kanilang pagha-happy hour. Nakita sa lamesa ang 2 long neck na alak. Ang isa ay halos paubos na habang ang isa naman ay sarado pa. Mayroon din silang kanin at sabaw.

Kinilala ang apat na pulis na sina Police Corporal Robemar Abales, Police Corporal Alquin Orgen, Patrolman Samuel Inoc at Police Corporal Randy Danao. Lahat sila ay nakatalaga sa station 6 ng Las Piñas.

Nahuli ang apat na nag-iinuman mga 1:35 ng madaling araw nitong Biyernes, September 6, ayon kay IAS Chief Police Brigadier General Gerry Galvan. Kasong administradibo ang kakaharapin ng mga pulis.

Hindi naman napigilan ng ilang kababayan natin ang pagkadismaya nila sa apat na alagad dapat ng batas.

“Sari sari n kapulisan naten eh papaano kung may humingi tulong sa inyo.d hinde n kau mkakatakbo ng maayos kc may tama n kau tapos idadaan sa init ng ulo.pag nkhuli kau ky mga kuyas sana nmn may tama nmn oras para jan huwag iun nk duty kau mag iinom kau ….,” sabi ni A. Garcia.

” Abangan ko kung ano ang naging desisyon ni General Albayalde sa mga pulis na yan. Pero syempre ang inaasahan kong desisyon ay sibakin sila sa trabaho dahil kung may emergency response ay hindi sila makaka rating ng maaga dahil mga lasing na sila. I hope no second chance sa mga pulis na yan para lahat sila ay tumino,” sabi ni G. Gabrillo.

“Tanggal serbisyo dapat mga yan hndi suspension..kapag my operations o raid baka sila pa unang pumutok at beastmode ksi mga lasing at high.,” sabi ni W. Matnog.

“Dna ni respeto ang uniform nila ..cnayang lng ung hirap nila bago makapasok sa serbisyo sad,” sabi ni R. Pinpin.

Source: ABS-CBN | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén