Local News

Arnold Clavio, Nagbahagi ng Bible Verse Matapos ang Pambubuking ni Sarah Balabagan!

Nitong nagdaang araw ay naging mainit na usapin sa social media ang pagbubunyag ni former Overseas Filipino Worker (OFW) Sarah Balabagan na si GMA 7 news anchor Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak. Ayon kay Balabagan, 17-anyos siya nang mabuntis ni Clavio habang ang mamamahayag ay may asawa na.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama… Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko… Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon… Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story… Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako… Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po…. Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” pagsisiwalat ni Balabagan.

Sa kabila ng naging pagsisiwalat ni Balabagan ay nanatiling tikom ang bibig ng mamamahayag sa isyu. Maging ang kumpanyang pinagtatrabahuan ni Clavio ay nanahimik din sa isyu.

Magugunita na ilang araw matapos ang pagsisiwalat ni Balabagan ay nag-post ng mensahe mula sa Bibliya si Clavio.

“‘And you will know the truth, and the truth will set you free.’ JOHN 8:32 .” post ni Clavio sa kanyang Instagram account.

Sa hiwalay na social post ay nagpahayag muli si Clavio ng mensahe patungkol sa Diyos.

“‘O God, grant that whatever good things I have, I may share generously with those who have not, and whatever good things I do not have, I may request humbly from those who do.” –St. Thomas Aquinas'”

Panoorin naman ang panayam ng broadcaster na si Ben Tulfo kay Balabagan.

Source: Sarah Balabagan | Arnold Clavio’s Instagram Account | Arnold Clavio’s Instagram Account | Bitag

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: