Local News

“Aroganteng” Bilyonaryo, Sinopla ni Pangulong Duterte!

Hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga komento ng bilyonaryo na si Isidro A. Consunji tungkol sa water contract issue.

Sa ilang new reports, sinabi umano ni Consunji na ang gobyerno ang bumalangkas ng concessionaire agreement na nakitaan ni Pangulong Duterte ng pagiging “tagilid”. Ayon pa sa ilang ulat, nagkomento din daw si Consunji na magkakaroon umano ng pangamba ang mga negosyante sa naging hakbang ng pamahalaan sa water companies.

Sa isang talumpati ay rumesbak si Pangulong Duterte sa bilyonaryo at inungkat ang dispalinhadong condominium na nasira sa Davao nitong Ocktubre na gawa ng DMCI Holdings. Ayon sa isang artikulo ng Rappler, Si Consunji ay chairman ng DMCI Holdings Inc at vice chair ng Maynilad.

“The Consunjis, one of their four condos collapsed. Nagsalita sa concession sa water, ikaw me problema, Consunji, builder ka, if naasar ako sa iyo. I will not grant you any permit… That beautiful condominium in Ecoland… Outside, it looks so good with all the lights but when the earthquake struck, people were running because of the cracks. In the Philippines, only the rich who have no shame will be in trouble,” banat ni Pangulong Duterte.

Binuweltahan din ni Pangulong Duterte ang pagiging “arogante” umano ni Consunji sa pakikipag-usap sa mga tenant ng nasirang condominium. Magkakaron din daw ng hearing sa kongreso patungkol sa pagkawasak ng naturang building.

“You know, if you do not come to terms with the people that you have prejudiced, I will not allow you to even construct a building, not even a post because I will question the integrity of your company… Do not do that. You will not only lose you funds but your business. Believe me. I will question everything. I will order the audit of all the buildings and all the violations that you have committed,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: Inq | Inq | Manila Bulletin | Bilyonaryo | Rappler | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén