Local News

Assistant Principal na Komunista, Arestado dahil sa Attempted Homicide!

Nasakote ng mga pwersa ng gobyerno si Rosanilla B. Consad alias Lai, isang public school principal ng San Vicente National High School sa Butuan City

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), miyembro si Consad ng Katipunan ng Gurong Makabayan (KAGUMA), isang revolutionary group na konektado sa National Democratic Front (NDF).

Namumuno din si Consad sa Regional Urban Committee (RUC), Regional White Area Committee (RWAC), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Kasama si Consad sa top 18 communist terrorist group (CTG) priority targets ng Caraga police.

Nasasangkot si Consad sa pamamaril kina Private First Corporal Junrel Cornelio and CAFGU Active Auxiliary Emiliano Sajol, Jr. Sina Cornelio and Sajol ay parte ng Army’s 29th Infantry Battalion. Nabaril ang dalawa habang nagsasagwa ng combat patrol operation sa Sitio Manhupaw, Brgy. Poblacion 2, Santiago, Agusan del Norte noong Nov. 21, 2020.

Dawit din umano si Consad sa panghihikayat sa mga kabataan para sumali sa mga komunistang grupo.

“Ang kanyang pagkahuli ay magbibigay hustisya sa mga kawal ng pamahalaan na patuloy na ibinibuwis ang sariling seguridad at kaligtasan sa ngalan ng kapayapaan… Ito na ang magiging hudyat sa humihinang puwersa ng CPP-NPA-NDF na tigilan na ang panloloko, pang-aabuso sa karapatang pantao, at paggawa ng krimen sapagkat darating ang tamang panahon na mananagot din sila sa kamao ng batas,” sabi ni Brig. Gen Romeo M. Caramat, Jr., Police Regional Office 13 (PRO-13) Director.

Ayon pa sa ilang ulat, miyembro din si Consad ng General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA) at sumali sa protesta sa Butuan City para sa 47th Martial Law commemoration noong Sept. 20, 2019, at Labor Day celebration noong May 1, 2019.

Source: Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén