Local News

‘Atake ito sa Press Freedom at Demokrasya’ ABS-CBN Anchor Noli De Castro, Pinalagan ang Shutdown ng Kapamilya Network!

Sa inilabas na direktiba na National Telecommunications Commission (NTC) para pahintuin ang pagbo-broadcast ng ABS-CBN, hindi napigilan ng Kapamilya news anchor na si Noli De Castro na maglabas ng saloobin.

Ayon sa dating bise presidente, ang kautusan ng NTC ay pag-atake sa press freedom at demokrasya.

“Isa pong karangalan na maging tagapaglahad ng inyong mga kwento at tagabantay sa mga na sa kapangyarihan. Karangalan po namin na maglingkod sa inyo, kabayan… Hindi man na-renew ang aming prangkisa, at ipinatitigil ang aming broadcast, nangangako po kami sa inyo na hindi kami mananahimik sa pag atakeng ito sa ating demokrasya at sa malayang pamamahayag… Sa pinakamalaking dagok at hamon sa aming kumpanya at sa mga aming hanapbuhay, hinding hindi namin kayo tatalikuran kabayan, mga kapamilya kami, tayo ang ABS-CBN, in the service of the Filipino people, saan man sila naroroon sa buong mundo,” sabi ni De Castro.

Nagsalita rin ang isa pang news anchor ng ABS-CBN na si Karen Davila ukol sa isyu.

“Sa dami ng problema ng Pilipinas… sa dami ng nagkakasakit at namamatay sa Covid… sa laki ng problema ngayon sa ekonomiya..sa dami ng nawalan ng trabaho dahil sa covid..

Talagang pagpapatigil ng ABSCBN ang inatupag nila. Hindi ko maintindihan kung nasaan ang mga puso nito.” patutsada ni Davila.

Para naman sa dating mamamahayag at dating empleyado ng ABS-CBN na si Jay Sonza, walang kinalaman ang press freedom sa pagkapaso ng prangkisa.

“Anong kinalaman ng press freedom sa “expired franchise”, “no permit,” “no license,” “no certificate”?,” banat ni Sonza.

Ito ang pahayag ng Palasyo sa sinapit ng ABS-CBN.

“On the NTC’s action on ABS-CBN

The Palace notes that the National Telecommunications Commission (NTC) has issued a Cease and Desist Order against ABS-CBN Broadcasting Corporation for lack of a valid legislative franchise. ABS-CBN is free to exhaust all legal remedies available to it.

President Rodrigo Roa Duterte, as a matter of record, accepted the apology of the network and left its fate to both houses of Congress. Let the public be informed that broadcast franchises are within the authority of Congress. It has discretion on what to do with the legislative franchise of ABS-CBN and other broadcasting companies similarly situated.

We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19. But in the absence of a legislative franchise, as we have earlier said, ABS-CBN’s continued operation is entirely the NTC’s decision.” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: Philstar | Jay Sonza | Karen Davila

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: