Local News

Atty. Gadon, Kakasuhan ng Inciting to Sedition si Leni at Opposition Senators dahil sa Ang Totoong Narcolist Videos

Sasamahan ni Attorney Larry Gadon si Peter Joemel Advincula (alyas Bikoy) sa Department of Justice (DOJ) para maghain ng reklamong inciting to sedition laban kina Vice President Leni Robredo, ilang senador sa oposisyon at ilan pang personalidad. Ang kaso ay kaugnay sa black propaganda videos na ikinalat noong panahon ng kampanya laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang video series na pinamagatang “Ang Totoong Narcolist” ay naging usap-usapan noong panahon ng kampanya dahil idinadawit ng lalaki sa video na si “alyas Bikoy” ang pamilya ng Pangulo sa kalakalan ng bawal na gamot. Sa naturang video series, dinamay din ang bunsong anak ni Pangulong Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte sa droga.

(Ang litrato ay mula sa GMA News.)

Kalaunan ay lumitaw si Advincula para aminin na siya si alyas Bikoy. Noong unang paglantand ni Advincula sa publiko ay iginiit nito ang pagkakasangkot ng pamilya Duterte sa droga, pero kinalaaunan ay inamin din ni Advincula na gawa-gawa lamang ang mga paratang sa videos. Ayon kay Advincula ang mga masterminds sa black propaganda laban sa Pangulo ay ang ilang miyembro ng oposisyon at ilang taga-simbahan.

Base sa affidavit ni Advincula, nakipag-meeting daw siya sa ilang alagad ng simbahan at ilang personalidad mula sa oposisyon para gumawa ng istorya kung paano ikokonekta ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa droga.

“Noong December 12, 2018 Miyerkules bandang 6:00 ng gabi kami ay nagpulong muli sa Jesuit Residences sa Ateneo De Manila University (ADMU) kasama sina Jonel, Father Alejo at Arch Bishop Soc Villegas upang pag-usapan ang lakad nina Father Alejo at Father Villanueva… Noong February 9, 2019 ng 6:00 am ay umalis kami ni Father Alejo sakay ng Grab galing sa Jesuit Residences papuntaang Bishop House ng Diocese ng Caloocan at doon ay nagkaroon ng pagpupulong kasama sina Bishop Pablo Virgilio David o Bishop Ambo, Senador Trillanes at Jonel at dito napag-usapan ang gagawing pag-iingay sa darating na halalan,” nilalaman ng affidavit ni Advincula.

Source: GMA News | GMA News | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén