Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Atty. Gadon, Nagpuyos sa Galit dahil umano sa Dayaan sa Eleksyon!

Naglabas ng sama ng loob sa kanyang social media account si Attorney Larry Gadon dahil sa naging resulta ng halalan. Ayon sa sikat na abogado, biktima daw siya ng pandaraya at naniniwala siya na ang mga boto niya ay binawasan para ilipat sa mga mahihinang kandidato ng administrasyon.

“Ang nakaraan ne eleksiyon ay naparumi at madaya. Ako ay naniniwala na nabiktima ako ng dagdag bawas. Na-shave ang aking mga boto para idagdag sa mga admin candidates… Ang boto ko ay idinagdag sa mga admin (candidates) na mahina,” banat ni Gadon.

Isa sa mga ginamit na pruweba ni Gadon ay ang mainit na pagtangkilik sa kanya ng mga tao. Mula sa online polls hanggang sa mga pag-iikot niya sa iba’t-ibang lugar.

“Mula pa noon, sa social media, at sa mga mock elections sa mga malalaking universidad, palagi akong nagta-top 1 or top 5. At sa mga social media surveys sa mga OFW palagi ako na nasa top 5, pinaka-malas ko na ang 7… Sa pag-ikot ko sa mga syudad at mga probinsiya ay pinagkakaguluhan ako. Even in those far places na hindi ako nagkaroon ng kahit isang posters,” sabi ni Gadon.

Pinagtataka rin ni Gadon na noong 2016 ay hindi siya nangampanya pero umabot ng 2 milyon ang boto. Samantalang ngayon na todo ang exposure niya sa mainstream media ay 1 milyon lang ang naidagdag sa kanyang boto.

“Noong tumakbo ako ng 2016 ay nakakuha ako ng 2 milyon na boto, kahit hindi ako nangampanya at kahit hindi pa ako sikat noon. Itong 2019 elections, grabe ang naging exposure ko sa TV, sa news, sa mga interviews, sa radyo, dahil sa Sereno impeachment, at dahil sa effective social media campaign, kaya imposible na 1 million lang ang nadagdag sa akin,” pahayag ni Gadon.

Naniniwala ba kayo sa mga paratang ni Attorney Gadon. Sino kayang administration candidate ang tinutukoy niya?

Source: Atty Larry Gadon

Leave a Reply

Theme by Anders Norén