Local News

Atty Larry Gadon, Gumawa na ng Hakbang para Pigilan ang ABS-CBN Operations ‘Pag Expire ng Prangkisa!

Panibagong problema na naman ang kakaharapin ng network giant na ABS-CBN dahil pinahihinto ni Atty. Larry Gadon sa Korte Suprema ang implementasyon ng liham ng kongreso sa National Telecommunication Commission (NTC) na bigyan ng provisional authority ang Kapamilya network na magbibigay ng permiso sa istasyon na ituloy ang operasyon kahit na paso na ang prangkisa nito. Ang prangkisa ng media outlet ay mapapaso na sa ika-4 ng Mayo.

“I am filing this Petition for the sake of upholding the law , to uphold the supremacy of the Constitution – to remind the Congress of the principle of separation of powers of the three branches of government and that no one shall encroach on the powers of another,” paliwanag ni Atty. Gadon.

Nagtakda naman na ang kongreso ng pagdinig ukol sa prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 10.

Maliban sa pagkapaso ng prangkisa, nahahrap din ang ABS-CBN sa quo warranto petition na inihain ni SOlicitor General Jose Calida noong Pebrero. Magugunita na gustng ipabasura ni Calida ang prangkisa ng Kapamilya Network dahil umano sa mga paglabag at pang-aabuso ng ABS-CBN.

Magugunita na ilang beses na nagbabala si Pangulong Duterte sa Kapamilya network na haharangin niya ang pagpapalawig ng prangkisa nito. Pero sa senate hearing sa ABS-CBN franchise nong Pebereo 24, humingi ng paumanhin ang opisyal ng ABS-CBN sa hindi nila pag-e-ere ng campaign ads ni pangulong Duterte noong 2016 presidential elections. Ang pagpapaumanhin ng ABS-CBN ay tinanggap naman ni Pangulong Duterte pero nilinaw ng MalacaƱang na tuloy pa rin ang quo warranto petition laban sa media outlet.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN | Atty Larry Gadon | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén