World News

Audio Recording ng Piloto Bago Namatay si Kobe Bryant, Inilabas na sa Media!

Nitong Lunes ay nagluksa ang karamihan dahil sa pagpanaw ni National Basketball Association (NBA) Legend Kobe Bryant sa edad na 41-anyos sa isang helicopter crash.

Kasama na nasawi ni Bryant ang anak nitong dalagita na si Gigi at iba pa.

Ayon sa ilang impormasyon, papunta sila Bryant sa basketball game ng kanyang anak na si Gigi nang mangyari ang trahedya.

Base sa ilang saksi, masyadong makapal ang “fog” sa lugar kung saan bumagsak ang sinasakyang helicopter ni Bryant.

“It was thick (fog). Imagine jumping into a pool filled with milk and opening your eyes. I can’t see anything. Hearing the helicopter, all of a sudden the helicopter is immediately above me. I can hear it but I can’t see it,” sabi ng saksi na si Scott Daehlin.

Dahil sa kapal ng fog ay nagpaikot-ikot muna sa ere ang helicopter ni Bryant sa loob ng 15 minuto. Matapos ang 24 minuto, nakarinig ang mga saksi ang mababang paglibpad ng helicopter. Sa pagkakataon na ito ay sinabihan na ng air traffic controllers ang piloto ng helicopter na hindi nila makita ang sasakyan sa radar.

Ayon sa nakuhang datos, ilang segundo bago sumalpok ang helicopter ay umarangkada ito ng napakabilis.

Ngayon ay inilabas na sa media ang audio recording ng piloto bago bumagsak ang minamaneho nitong helicopter.

Nakagawian na ni Bryant na sumakay ng helicopter para maka-iwas sa trapiko at makasama ng mas matagal ang pamilya.

Narito po ang full audio recording ng pangyayari.

Source: Global News | ABC News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén