Local News

Ayala, Pangilinan sangkot sa Syndicated Estafa at Corruption, ayon kay PDU30!

Hindi pa tapos si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga may-ari ng mga water companies na nasasangkot sa diumano’y tagilid na kontrata. Sa kanyang talumpati, binanatan muli ni Pangulong Duterte ang mga may-ari ng mga nasabing kumpanya at inakusahan ng syndicated estafa at corruption ang mga ito.

“‘Yung nagtatanong kayo, saan ‘yung big fish? Saan ‘yung mga corruption, saan ‘yung malalaki? O, i-deliver ko na sa inyo ngayon. Si Ayala pati si Pangilinan… ‘Pag nagkamali ‘yang gagong ‘yan, ipapakulong ko talaga sila. Kita mo maski anong insulto ko, hindi na sumasagot. Sigurado swak sila. Syndicated estafa,” banat ni Pangulong Duterte

“Kapag hawakan mo ‘yung Anti-Graft and Corrupt Practices Law tapos ‘yung kontrata nila, all the provisions of the Anti-Graft Law can be found in the contract” buwelta pa ni Pangulong Duterte.

Naging usapin nitong umpisa ng Disyembre ang tungkol sa mga kontrata ng mga water concessionaires sa gobyerno nang ibunyag ni Pangulong Duterte ang pagiging tagilid umano ng kontrata.

Magugunita na nag-utos ang Singapore-based arbitration court sa gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang Maynilad ng P3.6 billion at ang Manila Water ng P7.4 billion dahil umano sa pagkalugi ng dalawang kumpanya nang hindi payagan ng pamahalaan ng Pilipinas na magtaas ng singil.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi babayaran ng kanyang administrasyon ang mga nasabing water companies. Kalaunan ay sinabi ng mga water concessionaires na hindi na nila sisingilin ang gobyerno, bagkus makikipag-ugnayan na lang daw sila sa mga ahensiya ng gobyerno upang repasuhin ang kontrata.

Nanindigan naman si Pangulong Duterte na hindi siya makikipag-usap sa mga may-ari ng mga water companies.

“Sabi ko sa kanila ayusin nila ito. Kapag magkaso kaso sila, kapag mag file sila ng kaso diretso na, file sila sa Supreme Court. I will declare a suspension of the writ of habeas corpus and I will arrest all of them… I want billionaires inside the prison” banat pa ng Pangulo.

Si Fernando Zobel de Ayala ay ang chairman ng Manila Water habang si Manuel V. Pangilinan naman ang chairman ng Maynilad.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén