Local News

“Ayaw ko muna Sagutin” Leni, Sinagot na ang Hamon ni Duterte!

Kahapon ay nagbigay ng reaksyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga negatibong pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa isinasagawang kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Hinamon ni Pangulong Duterte si Robredo na pangunahan ang anti-drug campaign ng gobyerno at itatalaga daw niya ito bilang drug czar.

“The opposition, they always hanker to sasakyan nilang… kagaya ni Robredo. Sige lang siya human rights-human rights. As a matter of fact ,I am sending a letter to her through Secretary Medialdea… I am sending a letter to her through ES Medialdea. I will surrender my powers to enforce the law, ibigay ko sa Vice President. Ibigay ko sa kanya mga six months. Siya ang magdala. Tingnan natin kung ano ang mangyari. Hindi ako makialam. Sige, gusto mo? Mas bright ka? Sige. Ikaw. Subukan mo. Madali kasi mag.. I’ve been 21 mayors, hindi mo na ako maloko nang ganoon” banat ni Pangulong Duterte.

“I’ve said if you want, I can commit you there to be the drug czar.,” dagdag pa ng Pangulo nang maka-usap niya ang ilang miyembro ng media.

Ngayong araw ay sumagot na si Robredo sa naging hamon sa kanya ng Pangulo. Para sa bise presidente, hindi na daw muna niya sasagutin ang hamon dahil hindi raw siya tiyak kung gaano kaseryoso ang Presidente sa sinabi nito.

“Ako kasi, ayaw kong sagutin muna iyon kasi hindi ko alam kung gaano kaseryoso. Pero iyong sa akin lang, iyong mga problema ng ating bansa, hindi naman dinadaan sa pagkapikon, hindi naman dinadaan sa pang-iinsulto. Iyong sa akin, parating solusyon iyong hinahanap natin,,” sabi ni Robredo.

Boladas pa ni Robredo, hindi daw dapat “ego” ang pinapairal ng mga public servants.

“Kaming mga naninilbihan sa taumbayan, walang space para sa aming ego, walang space para sa emosyon, walang space para sa pagkapikon, kasi hindi namin magagampanan nang maayos iyong aming trabaho,” dagdag pa ng bise presidente.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: