Local News

Ayaw na ng mga Tao sa Rehimeng Duterte – Renato Reyes

Kahapon ay inilutang ni Pampanga Congressman Mikey Arroyo ay ideya na huwag magsagawa ng halalan sa 2022. Ito ay dahil daw natatakot ang ilang kababayan natin na bumoto dahil sa pandemiya na dulot ng covid-19.

“Because I’ve been hearing in my district, the businessmen, the old people, they’re saying maybe they would not just vote because they’re scred to vote during that day. That’s just food for thought Mr. Chair. The COMELEC may choose to answer that or not… I’ve been doing my share of reading about this pandemic and it seems that, assuming for the sake of argument that nothing goes wrong, the earliest that the vaccine will be available in our country for everybody, maybe September or October 2021,” sabi ni Congressman Arroyo.

Buloladas naman agad ang bunganga ng long-time activist at secretary general ng BAYAN na si Renato Reyes Jr.

“Ang pagpapaliban ng eleksyon ay daan tungo sa diktadura. Walang ibang makikinabang dito kund ang mga nasa poder. Ayaw na nga ng mga tao sa rehimeng Duterte, ngayon pa lang ay gusto nang palitan – lalong hindi papayag ang tao na tumagal sila sa pwesto lagpas sa kanilang termino. ‘Di na makapaghintay ang tao na mabago at mapatalsik ang mga palpak na namumuno ngayon. Tutol sila sa ‘No-El’ at term extension,” boladas ni Reyes.

Sa kaniyang karagdagang pahayag, sinabi ni Reyes na gusto na raw nilang masibak si Pangulong Duterte sa pwesto kahit hindi magsasagwa ng eleksyon.

“Gusto na nga namin siya paalisin kahit wala pang eleksyon. Kayo naman gusto niyo siyang patagalin pa sa pwesto kahit na tapos na ang termino. NO. Stop using the pandemic as pretext for dictatorship.” patutsada pa ni Renato.

Source: Philstar | News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: